Home » Entertainment » Isabelle denies bad blood between her and Cristine

Isabelle denies bad blood between her and Cristine

PINABULAANAN ni Isabelle Daza ang isyung diumano’y hindi maayos ang relasyon nila ng “Tubig at Langis” co-star niyang si Cristine Reyes.

Tumataginting na “Yes” ang sagot ni Isabelle nang matanong kung naging friends ba sila.

Paliwanag pa ni Isabelle, “I would like to think that I’m not a plastic person. So, if mayroon mang something with us, nag-uusap kami, nagtsitsikahan kami.”

Pero totoo bang nagkakasakitan sila ni Cristine sa mga eksena nilang sampalan at sabunutan?

“Well, nagkakasakitan pero after that we become friends naman. Siyempre we can’t avoid getting hurt because we don’t wanna make daya, di ba? Gusto naming totoo. So, with AA (palayaw ni Cristine) and I, minsan nag-uusap kami before the scene, tapos sinasabi niya sa akin, ‘Okay, slap me as hard as you want…’ para nag-aano rin ng emotions iyan e.”

Bakit sa tingin niya’y nagkaroon ng bad blood issue sa kanila ni Cristine?

“I guess kasi siyempre laging may isyu especially pagbida-kontrabida, di ba? But you know, Cristine and I have a good relationship. Tulad ng sinabi niya we’re not the best of friends, like I don’t text her everyday pero pagkailangan I do reach out to her. Pati siya she reaches out to me and I admire Cristine as an actress. Ang dami kong natututunan sa kanya. Sinabi niyang may natutunan siya sa akin, I’m so kilig because I think that she’s amazing.”

Ginagampanan ni Isabelle sa panghapong teleserye ng ABS-CBN ang role ng kontrabidang si Clara, habang si Cristine naman ang bidang si Irene. Mas titindi pa raw ang kumprontasyon at awayan nila sa huling apat na linggo ng “Tubig at Langis,” na magtatapos sa Setyembre 9.

Samantala, bukod sa kagustuhan ng produksyon na magtapos ang serye on a high note dahil sa mataas na ratings na naitatala nito, isa rin pala sa dahilan kaya hindi na nila pwedeng pahabain ito ay ang nalalapit na pagpapakasal ni Isabelle sa kanyang French fiancé na si Adrien Semblat sa Sept. 10 sa Italy.

Ano ang nararamdaman ni Isabelle na habang busy siya sa taping ng “Tubig at Langis” ay sumabay rin ang paghahanda niya para sa kanyang kasal?

“I feel good naman, a bit stressed pero in fairness to my ‘Tubig at Langis’ family they’ve been so supportive of me.

Buong cast napaka-supportive nila, something also happened… my dad passed away. Nag-adjust talaga sila sa schedule ko.’’ (GLEN P. SIBONGA)

comments