Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Miguel reprises Pagaspas role in ‘Encantadia’

Miguel reprises Pagaspas role in ‘Encantadia’

Miguel Tranfelix

NASAGOT na ang katanungan kung sino sa karakter ng “Mulawin” ang magiging bahagi ng “Encantadia.” Lumabas na sa episode kagabi si Miguel Tanfelix bilang Pagaspas na siyang tutulong kay Amihan (Kylie Padilla).

Matatandaang noong child star pa si Miguel ay siya ang gumanap bilang Pagaspas sa original version ng “Mulawin” na pinagbidahan ni Richard Gutierrez bilang Aguiluz.

Sobrang happy si Miguel na ngayong teen star na siya’y siya pa rin ang pinili ng GMA7 para gumanap bilang Pagaspas sa “Encantadia.” Aniya, hindi niya napigilang mag-flashback na five years old siya noong unang gampanan niya ang naturang karakter. Seventeen na siya ngayon.

Looking forward si Miguel na i-remake ang “Mulawin” at wish niyang siya naman ang gumanap bilang Aguiluz.

Kabogera

Kabogera talaga ang beauty ni Liza Soberano. Marahil ay inggit-inggitan sa kanya ang ibang young girls her age (showbiz and non-showbiz) dahil smitten sa ganda ni Liza ang international singer na si Charlie Puth.

Inimbita pa si Liza ni Charlie sa nakaraang concert nito sa Kia theater. Nag-effort pa si Charlie mag-tweet kay Liza kung makakapanood ba siya ng concert nito.

Kaya lang ay dinedma ni Liza ang imbitasyon ni Charlie. Hindi siya nakapanood ng concert nito dahil may TV shoot siya. Tanong ng fans, hindi raw kaya alibi lang ’yun ni Liza at ano raw kaya ang reaction ni Enrique Gil?

Dream

Isa pang miyembro ng boy band na One Up na binuo ng GMA Artist Center ay si Prince Clemente. He’s 19 years old at galing din sa “Starstruck 6.” Hanggang Top 28 lang siya umabot.

Nag-audition si Prince sa One Up at laking tuwa niya noong nakapasa siya at makasama sa sampung miyembro nito. Two-year contract ang pinirmahan ni Prince sa GMA Artist Center. Lumabas siya sa “Once Again” at wish niyang magkaroon pa siya ng mga susunod na acting projects.

Bukod kasi sa pagkanta at pagsayaw, may talent din si Prince sa pag-arte. Gusto niyang makatrabaho sina Max Collins at Solenn Heussaff na ayon kay Prince ay mga showbiz crush niya.

Dream din niyang magka-album at magka-concert ang One Up. Soon ay magkakaroon ang boy band ng series of shows nationwide.

comments