Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 15 drug suspek patay sa Caraga

15 drug suspek patay sa Caraga

BUTUAN CITY – Labing limang hinihinalang drug pusher ang napatay sa iba’t ibang lugar ng Caraga region simula ng kampanyang, “Project Double Barrel,” ng Northeastern Mindanao Police Regional Office 13 (PRO 13).

Sa mga napatay, tatlo ay dating pulis, ayon sa PRO 13 regional monitoring and action center na naka base sa Camp Rafael C. Rodriguez.

Sa pinakahuling buy-bust operation na isinagawa ng Prosperidad Municipal Police Station (MPS) sa Agusan del Sur kahapon, napatay si Jomar Cabosas matapos umano’y makipagbarilan sa mga pulis.

Na-rekober ang baril na ginamit ni Cabosas na .38 caliber revolver, ayon sa ulat ng PRO 13. Noong Martes, dalawang drug suspek na kinilalang sina Noel Montilla at Mark Gerald Rivas ang napatay ng mga pulis sa isang buy-bust operation sa Purok-5, Barangay Bitoon, Hinatuan, Surigao del Sur. (Mike Crismundo)

comments