Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 20 bahay nasira sa buhawi

20 bahay nasira sa buhawi

SAN MIGUEL, Bulacan – Dalawampung bahay sa Barangay Sibulang ang nasira matapos hagupitin ng isang buhawi noong Martes ng gabi.

Ayon sa mga residente, rumagasa ang buhawi ng mga 10:30 habang karamihan ay natutulog. Tanggal ang mga bubong ng mga bahay.

Wala naman ang nasaktan, ayon sa report. Huling tinamaan ng buhawi ang bayan noong Agosto 23, 2007. Ang buhawi na namumuo sa probinsya ay maliit kumpara sa Estados Unidos.

Sa huling sampung taon, 172 na buhawi na ang na-record sa bansa, malimit sa buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre. (Freddie Velez)

comments