Home » Entertainment » Cristine willing to work again with Vivian

Cristine willing to work again with Vivian

Christine Reyes

HINDI isinasara ni Cristine Reyes ang posibilidad na muli silang magkatrabaho ng dati niyang “Tubig at Langis” co-star na si Vivian Velez.

Nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan nila nang maglabas ng hinaing si Vivian sa kanyang Facebook account tungkol sa umano’y hindi magandang pagtrato sa kanya ni Cristine sa set. Para makaiwas sa tension, nagdesisyon na lang si Vivian na mag-resign sa show.

Sabi nga ni Cristine, “Siguro lahat naman nadadaan sa magandang usapan, di ba? So, if given a chance na magkita kami at makapag-usap ulit, di ba, okay lang din naman sa akin.”

Samantala, matapos ang isyu kay Vivian, naiintriga naman si Cristine sa isa pa niyang “Tubig at Langis” co-star na si Isabelle Daza. Tila dinadala raw kasi nila hanggang sa totoong buhay ang hindi magandang relasyon ng kanilang roles sa naturang panghapong teleserye ng ABS-CBN. Ginagampanan ni Cristine ang bidang si Irene, habang kontrabida naman ang role ni Isabelle bilang si Clara.

Nilinaw naman ito ni Cristine nang matanong siya kung naging friends ba sila ni Isabelle. “Okay naman kami. We’re not really ’yung like lumalabas-labas. Hindi kami lumalabas together, pero sa set we’re okay, nag-uusap naman kami.”

Bago matapos ang presscon, kabilang pa si Isabelle sa pinasalamatan ni Cristine. “Siyempre gusto ko ring magpasalamat kay Isabelle, of course. Kahit maigsi ’yung panahon na nakilala kita, mayroon akong natutunan sa iyo. Tama ’yung sinabi niya kanina, hindi siya plastic na tao, and alam mong nagkakaintindihan tayo kung anuman ’yung ibig sabihin natin doon. Magkaibigan kami, okay, walang isyu.”

Mapapanood ang “Tubig at Langis” mula Lunes hanggang Biyernes ng hapon pagkatapos ng “Doble Kara” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. (GLEN P. SIBONGA)

comments