Home » Entertainment » Kim moves on from break-up with Kiko Estrada

Kim moves on from break-up with Kiko Estrada

Kim Rodriguez

Wala ngang narinig mula sa Kapuso actress na si Kim Rodriguez noong bigla silang maghiwalay ng nababalita niyang boyfriend noon na si Kiko Estrada.

Ngayon ay romantically-linked si Kiko sa Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza.

Minabuti na lang daw ni Kim na maging quiet na lang siya dahil unti-unti na siyang nakaka-move on sa mga nangyari.
“Wala po akong time para isipin pa ang mga nangyari.

“Marami po akong ginagawa ngayon at nagpapasalamat ako sa mga dumarating na trabaho.

“Malaking tulong po ito sa pag-move on natin,” ngiti pa ni Kim.

Mukhang okey na nga si Kim dahil hindi naman niya iniiwasan ang mapag-usapan ang dating boyfriend na si Kiko Estrada.

Naghiwalay naman daw sila nilang magkaibigan at mabuti na ‘yung may kanya-kanya na silang pinagkakaabalahan na trabaho ngayon.

Pinagkakaabalahan ni Kim ngayon ay may kinalaman sa fashion. Since wala pa naman daw siyang sinisimulan na bagong teleserye after ng “Hanggang Makita Kang Muli,” naisip niyang mag-aral muna.

Kim is taking up fashion design sa ilalim ng isa sa sikat na Pinoy designers ngayon na si Francis Libiran.

Ayon pa kay Kim, two years ang itatagal para matapos ang fashion design course dahil pangarap niya ang makapagpatayo ng sarili niyang boutiques.

“Gusto kong magkaroon ng sarili kong boutique o kaya magde-design para sa ibang mga artista.

“Maganda na someday may sarili akong name sa larangan ng fashion since mahilig talaga ako sa mga clothes and accessories,” ngiti pa niya.

Kung magkakaroon daw ulit ng teleserye si Kim, gusto niya ay ‘yung may kasamang action.

“Gusto ko ‘yung ‘Darna,’ ‘Mulawin,’ mga super hero.

“Gusto ko naman medyo action, mala-’Asian Treasures.’ Gusto ko ‘yun.

“Kasi idol ko talaga si Angel Locsin. Gusto kong sundan ‘yung path niya.

“Gusto ko din sundan ‘yung mga awards niya. Siya ‘yung inspiration ko,” pagtatapos pa ni Kim Rodriguez.
(RUEL J. MENDOZA)

comments