Home » News » News Roundup » Smuggled firearms nasamsam

Smuggled firearms nasamsam

Naharang ng Bureau of Customs (BoC) ang malalakas na kalibre ng baril na naipuslit papasok ng bansa gamit ang balikbayan boxes.

Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon kahapon, galing ang mga nakumpiskang armas sa United States of America at nadiskubre lamang ang mga iyon sa isang random inspection noong July 29, 2016.

Ang balikbayan box ay ipinadala ng isang Maiko Claridad mula sa Anaheim, California para sa isang Leo Mendieta ng Bacolod City.

Sinabi ni Faeldon na naaresto na nila si Mendieta kamakailan. Ang nakumpiskang kargamento ay ipinadala sa Philippine National Police. (Argyll Cyrus B. Geducos)

comments