Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Suspendidong pulis tinambangan

Suspendidong pulis tinambangan

BATANGAS CITY – Isang suspendidong pulis ang napatay ng dalawang suspek habang nakasakay sa isang pampasaherong jeepney noong Huwebes sa Don Ramos Junction, Governor Carpio Road, Barangay Kumintang Ibaba.

Ayon sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), ang biktima ay pinanangalanang si Police Officer 3 Nestor Dimaano, 50.

Ang mga suspek ay may suot ng itim na jacket at helmet at sakay ng isang motorsiklo. Ayon kay Batangas City Chief of police Superintendent Barnard Danie Dasugo, ang biktima ay nasa drug watchlist.

Si Dimaano ay sinampahan ng administrative case, Grave Misconduct for 59 days noong Agosto 1. (Lyka Manalo)

comments