Home » News » News Roundup » 2 lalaki dedo sa engkwentro

2 lalaki dedo sa engkwentro

Dalawang hinihinalang tulak ng droga ang napatay ng mga pulis sa isang engkwentro na naganap sa isang subdivision sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang isa sa mga napatay na si Whelchie Mark Reguindin, 32, sa pamamagitan ng driver’s license na nakuha sa bulsa ng kanyang damit. Hindi pa makilala ang isa pang napatay na suspek.

Base sa imbestigasyon, nagpapatrolya ang mga pulis bandang 2:20 a.m. sa Barangay 171, Sarangay Subdivision, nang makita nila ang dalawang lalaking nakasakay sa motor na walang plaka.

Tinawag ng mga pulis ang dalawang lalaki ngunit sa halip na huminto, isa sa kanila ang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga alagad ng batas.

Matapos ang limang minutong habulan at palitan ng putok, bumulagta sa daan ang dalawang lalaki. Na-recover sa mga napatay ang isang .38-caliber revolver at apat na pakete ng shabu. (Jel Santos)

comments