Home » Entertainment » Barbie ready to gamble on love

Barbie ready to gamble on love

21Barbie Forteza6 instagram copy

IN labey (in love) talaga si Barbie Forteza. Hindi siya mapigilan at kilig-kiligan siya kapag napag-uusapan si Kiko Estrada. Ang daming nasasabi ni Barbie, samantalang wala pa kaming nababasang pahayag mula kay Kiko.

Maraming nagsasabi at nagpapayo kay Barbie na mag-ingat siya kay Kiko dahil baka masaktan lang siya. Estrada raw kasi si Kiko at hindi malayong chickboy rin o matinik sa girls, tulad ng kanyang lolo, Mayor Joseph Estrada, at ng yumao niyang lolo na si George Estregan, tatay ng kanyang daddy Gary Estrada na noong kabataan ng mga ito’y habulin ng chicks.

Pero mukhang handang sumugal si Barbie sa ngalan ng pag-ibig. Todo-tanggol siya kay Kiko. Aniya, kung makikilala lang ito nang lubusan, mag-iiba ang pagtingin kay Kiko ng mga humuhusga sa kanya.

Mabait, marespeto at mapagkakatiwalaan daw si Kiko. Ayon pa kay Barbie, tanggap ng pamilya niya si Kiko. Okey, fine! First love, first boyfriend ni Barbie si Kiko, kaya let her namnamin ang tamis ng unang pag-ibig.

comments