Home » News » News Roundup » Hinihinalang holdaper patay sa mga pulis

Hinihinalang holdaper patay sa mga pulis

Todas ang isang hinihinalang miyembro ng robbery-holdup gang pagkatapos makipagbarilan sa mga pulis sa Malate, Manila kahapon.

Ayon kay SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District Homicide section, nagpapatrol ang MPD Adriatico Police Community Precinct na pinamumunuan ni Chief Insp. Paulito Sabulao ng mapansin nila ang apat na lalaking nakasakay ng motorsiklo na may kahinahinalang kilos sa kanto ng Singalong at Kapitan Ticong Sts.

Lumapit ang mga pulis upang sitahin ang mga suspect pero sila ay pinaputukan at hinagisan ng granada. Hindi sumabog ang granada at gumanti ng putok ang mga pulis.

Nahulog ang isa sa mga suspect at tumakas ang kanyang mga kasama. Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang suspect at dinala sa ospital kung saan siya binawian ng buhay.

Ang suspect ay tinatayang 30 hanggang 40 taong gulang, may tangkad na 5’7”, ay mga mga tattoo ni Virgin Mary at demonyo sa kaliwa at kanang braso. (Betheena Kae Unite)

comments