Home » News » News Roundup » Konsehal na sangkot umano sa droga binaril

Konsehal na sangkot umano sa droga binaril

Natagpuang patay ang isang barangay councilor na sangkot umano sa illegal drug trade sa Caloocan City kahapon.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Delion Banisil, 51, ng Barangay 188, Tala. Natagpuan ang bangkay ng biktima na may mga tama ng bala ng isang tricycle driver sa Barangay 188.

Narekober malapit sa bangkay ng biktima ang apat na basyo ng bala ng caliber .45 pistol. Huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang asawa habang papunta sa barangay hall.

Ayon sa mga pulis, isang drug pusher umano ang biktima at kasama sa listahan ng mga drug personalities sa kaniyang barangay.

Sinabi din ng ilang residente na isang drug pusher ang naturang opisyal. Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima. (Jel Santos)

comments