Home » News » News Roundup » Lalaking nanonood lamang ng TV tinodas

Lalaking nanonood lamang ng TV tinodas

Patay ang isang lalaki pagkatapos barilin habang nanonood ng TV sa kanyang bahay sa Barangay Marulas, Valenzuela City noong Huwebes.

Kinilala ng Valenzula police ang biktima na si Marlon de Ocampo, 36. Ayon sa imbestigasyon, nanonood ng TV ang biktima kasama ang kanyang live-in partner ng biglang pumasok ang isang lalaki.

Bumunot ng baril ang suspect at binaril ang biktima. Nagtamo ng tama sa katawan ang biktima at tumalon sa bintana pero sinundan siya ng suspect at binaril ulit.

Tumakas ang suspect kasama ng tatlong iba pang armadong lalaki sakay ng motorsiklo. Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya binawian ng buhay. Inaalam pa ng mga pulis ang motibo ng insidente. (Jel Santos)

comments