Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Heightened alert sa ISIS threat

Heightened alert sa ISIS threat

GENERAL SANTOS CITY (PNA) – Itinaas ngayon ng Police Regional Office (PRO)-12 ang security alert sa ilang mga parte ng rehiyon matapos mapatay ang tatlo katao na pinaniniwalaang sympathizers ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa isang engkwentro sa Maasim town, Sarangani Province.

Ayon kay Supt. Romeo Galgo Jr., PRO-12 public information officer, naghahanda na sila sa posibilidad na maghiganti ang local armed group Ansar Al-Khilafah Philippines.

Kinilala ang tatlong napatay na miyembro ng naturang terror group na sina Abu Sabana ng Barangay Daliao sa Maasim; Jomar Harid ng Colong Colong sa Palimbang, Sultan Kudarat at Arthur Tagum ng Lumatil sa Maasim.

Nakuha sa tatlo ang ilang mga dekalibreng armas at t-shirts na may ISIS logo. “Rest assured that there will be no let-up in our operations until we effectively dismantle this group,” ani Galgo.

comments