Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Kerwin Espinosa lalong nadidiin

Kerwin Espinosa lalong nadidiin

KANANGA, Leyte (PNA) – Muling nadidiin ang anak ni Albuera town mayor Rolando Espinosa Sr. na si Kerwin matapos mahuli ang isang mag-asawa na kasama sa high value target ng pulisya.

Agad na idiniin ni Sarah Tan, 50 anyos at number two sa drug watchlist ng nasabing bayan, si Kerwin na umano’y supplier nila ng illegal drugs.

“Kerwin provided us drugs supply. He promised us that he would do the rest so we would not be arrested,” ani Tan.

“There were times he would call telling me to cool down and leave the place for a while, then days after, our house were raided.”

Iginiit naman ni Tan kasama ang asawa nito na si Ernesto, 54 anyos na nahuli din sa parehong buy bust na hindi sa kanila ang mga droga na nakuha sa kanila.

Laglag ang mag-asawa sa buy bust na pinagtibay naman ng arrest warrant ni Presiding Judge Ephrem Abando ng Regional Trial Court Branch 18 as Hilongos, Leyte kung saan nakuha sa mga ito ang siyam na sachet ng shabu, P500 marked money at ilang pang mga drug paraphernalia.

comments