Home » Entertainment » Timing » Robin nasasaktan sa ‘babaero’ tag

Robin nasasaktan sa ‘babaero’ tag

NASASAKTAN pala si Robin Padilla sa akusasyon ng ibang tao tungkol sa diumano’y pagiging babaero ng Padilla guys.

Nasasaktan siya sa bintang na diumano’y pinagsasamantalahan nila ang kahinaan ng mga kababaihan.

“Tunay lang pong nagmamahal ang mga Padilla. Kami po’y nagsisilbi para paligayahin ang mga kababaihan.Kailangang nararamdaman nila ang pagiging gentleman namin, gaya ng pagbubukas ng pinto para sa kanila, pag-alalay sa kanilang paglakad, pag-alok ng upuan. Natutunan ko po ’yun kay kuya Rommel. Siya po ang aking idolo,” pahayag ni Robin sa presscon ng Bravo Food Supplement for Men na silang magkapatid ang celebrity endorsers.

Ayon naman kay Rommel, nakita niya ’yun sa yumao nilang ama. Ito ang nagturo sa kanilang magkakapatid kung paano magbigay-pugay sa mga kababaihan.

Pinuri ni Robin ang kanyang kuya Rommel. Aniya, kahit sampu ang anak nito sa iba’t ibang babae, inako nito ang responsibilidad.

“Wala siyang inagrabyadong babae. Si kuya Rommel ang pretty boy sa aming magkakapatid. Mas marami siyang babaeng nilambing. Responsibilidad ng mga lalaking paligayahin ang mga babae sa lahat ng aspeto ng buhay,” saad ni Robin.

Sakto kina Robin at Rommel Padilla ang pagiging celebrity endorsers ng Bravo Food Supplement for Men. May image silang playboys, sobrang mapagmahal at mapagbigay sa mga babae. Kung sampu ang anak ni Rommel, mag-aanim naman ang kay Robin. Apat ang anak niya sa ex-wife niyang si Liesel Sicangco, isa sa former actress na si Leah Orosa at coming soon ang baby girl nila ng present wife niyang si Mariel Rodriguez who is due to give birth in November this year.

Ayon kay Rommel, nasubukan na niyang uminom ng Bravo Food Supplement for Men at talagang effective sa performance niya in bed. Hindi pa ito na-try ni Robin dahil aniya, six months pregnant si Mariel at off limits muna siya. “Outside the kulambo muna ako,” Robin said in jest.

Baby shower

May baby shower sila on Sept. 3 at ani Robin, doon ipapahayag ni Mariel ang name ng kanilang baby girl. Sa USA (United States of America) manganganak si Mariel dahil doon naka-base ang kanyang parents at ni-request ng kanyang daddy na doon siya manganak. Hindi raw kasi ito pwedeng magbiyahe.

Sasamahan si Mariel ng kanyang ate pagpunta sa America. Hindi pa masabi ni Robin kung makakasunod siya sa US dahil wala pa siyang visa. Inaayos pa at wish ni Robin na sana’y mabigyan siya para ’andun siya sa oras ng panganganak ni Mariel.

Ayon kay Robin, medyo delikado pa rin ang pagbubuntis ng kanyang asawa. Kailangan ni Mariel ng bed rest dahil may APAS (Anti-Phospolipid Antibody Syndrome) siya at may diabetes pa. Ayon kay Robin, maraming antibodies si Mariel na posibleng pumapatay sa bata sa kanyang sinapupunan, kaya kailangang kontrolin ’yun. Maraming gamut na iniinom si Mariel para malabanan ang antibodies.

Good influence

Love ng entertainment press kausap si Matteo Guidicelli. Wala kasi itong kiyemeng sumagot kapag ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo ang itinatanong sa kanya. Obserbasyon ng entertainment writers noong presscon ng Sun Life Asset Management, Inc., kung saan endorser ang Kapamilya actor ng Sun Life Prosperity Card, hindi na naiilang si Matteo pag-usapan si Sarah. Dati kasi, matipid magsalita si Matteo tungkol sa relasyon nila. Parang may kung ano’ng pumipigil sa kanya.

Ayon sa entertainment writers, good influence si Matteo kay Sarah. Natuto na siyang ipaglaban ang karapatan niya at ang relasyon nila ni Matteo. Ayon sa actor, ini-encourage niya si Sarah na hindi dapat puro showbiz nalang ang atensiyon niya.

“I encourage her to do other things outside of showbiz. To enjoy life to the fullest, not all work,” sabi ni Matteo.

Aniya pa, maganda raw ’yung paminsan-minsan ay magpunta sa beach o sa ibang bansa for oneself. One needs freedom.

Marami raw mga bagay-bagay na makikita at magagawa natin para sa ating sarili kung magiging bukas ang ating kaisipan.

Oo nga naman!

Ten years na sa showbiz si Matteo at bilang selebrasyon, magkakaroon siya ng anniversary concert on Nov. 18 sa Cebu Waterfront Hotel. Billed “Matteo Made in Cebu” ang nasabing concert at si Rowell Santiago ang director. Soon to be announced nalang kung sino ang kanyang guest performers. Isa kaya si Sarah? O, manonood lang siya ng concert ng kanyang boyfie? Dapat lang, bilang suporta.

comments