Home » News » News Roundup » Sumukong drug pusher pinatay habang tulog

Sumukong drug pusher pinatay habang tulog

Isang aminadong tulak ng droga na sumuko kamakailan sa mga awtoridad ang binaril ng dalawang hindi kilalang lalaki habang natutulog sa loob ng kanyang bahay sa Barangay 164, Caloocan City, noong Linggo.

Dead on the spot si Danilo Buenafe, 44, of Barangay 164, Caloocan, nang barilin ng dalawang beses sa ulo ng mga salarin na parehong nakasuot ng bonet bandang 2 a.m.

Ayon sa mga nakasaksi nakita nila ang dalawang lalaki na humahangos palabas ng bahay ng biktima matapos silang makarinig ng mga putok ng baril.

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo. Na-recover sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng .45-caliber pistol.

Napag-alaman sa mga opisyal ng barangay na ginagamit na drug den ang bahay ni Buenafe. Ayon sa kanila sumuko na si Buenafe sa police noong Hulyo at nangako na tatalikuran na niya ang kanyang masamang gawain.

Hindi umano tinupad ni Buenafe ang kanyang pangako dahil nagpatuloy pa rin siya sa pagbebenta ng bawal na gamot.
(Jel Santos)

comments