Home » News » News Roundup » 2 drug suspect patay sa buy-bust

2 drug suspect patay sa buy-bust

Dalawang hinihinalang tulak ng droga ang napatay nang tangkain umano nilang paputukan ng baril at hagisan ng granada ang mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation laban sa kanya sa Sta. Cruz, Manila, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng mga tauhan ng Manila Police District Police Station 3 ang mga napatay na sina Gerald Gervacio alias “Totoy” at isang alias “Usher”.

Napatay ang dalawa matapos na makapagbenta ng P500 halaga ng shabu kay PO2 Rey Munoz na umaktong poseur-buyer sa patibong na isinagawa ng police sa H. Cano Compound.

Bumunot umano ng baril si Gervacio nang makita ang paparating na ang back-up police officers, ngunit tinabig kaagad ni Munoz ang kanyang kamay na naging sanhi upang pumutok ito nang kusa.

Nagtangka namang maghagis ng granada si Usher, dahilan para barilin ni Munoz ang dalawang suspek.
(Jaimie Rose R. Aberia)

comments