Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 3 menor de edad huli sa pagnanakaw

3 menor de edad huli sa pagnanakaw

ABUCAY, Bataan – Tatlong kabataan, edad 8, 12 at 15, ang nahuling puwersahang binuksan ang isang computer shop at kinuha ang mamahaling gamit kamakailan sa Barangay Gabon.

Ayon kay Sr. Inspector Edsel Carbungco, hepe ng pulisya, ginamit ng mga menor de edad ang martilyo upang makapasok sa Nicole’s Internet Café na pagmamay-ari ni Pauline McFadden.

Tinangay ng mga suspek ang isang electric cigarette na nakahahalaga ng R6,000, isang Apple Iphone 5 (P8,000), isang DTC Helex Cellular phone (P6,000), isang Samsung Galaxy Duos (P4,000), isang Sony XPeria U3 (P6,000), isang Sony Xperia Z3 (P25,000), isang Lenovo Tablet (P16,000) at perang nagkakahalaga na P1,200.

Ayon sa mga suspek, sinubukan nilang ibenta ang mga gamit kay Noel Tinao na taga Barangay Salian, subalit tumanggi ito. Lahat ng mga gamit ay na-rekober ng pulis. (Mar Supnad)

comments