Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aljur, Rocco, Jake, Derrick go sexy, naughty in concert

Aljur, Rocco, Jake, Derrick go sexy, naughty in concert

Jake, Derrick, Rocco, Aljur

KANYA-KANYA at paramihan ng benta ng ticket ang Kapuso leading men na sina Aljur Abrenica, Rocco Nacino, Jake Vargas at Derrick Monasterio para sa gaganaping concert nila sa Music Museum on Sept. 23 at 8 p.m. Billed “Oh, Boy!” one night-concert ito na si Julie Ann San Jose ang special guest. Produced ito by Dreamstar Events in cooperation with GMA Corporate Communications and Blue Water Day Spa. Si Soc Mina ang musical director at si Marvin Caldito ang stage director.

First time magkasama sa isang concert ang apat na Kapuso actors at GMA Artist Center heartthrobs, kaya excited sila sa gaganaping concert nila. Anila, mga kanta mula dekada ’60 hanggang ngayong generation ng millenials ang kanilang repertoire. May kanya-kanya rin silang pasabog sa kanilang respective solo numbers.

Dagdag pa ng apat, maypagka-sexy and naughty ang concept ng kanilang concert at may mga pasabog pa silang sorpresa sa audience.

Single men

Sa presscon ng kanilang “Oh, Boy!” concert, inihayag ng apat na Kapuso actors at GMA Artist Center talents na pare-pareho silang single (read no girlfriend).

Sabi ni Aljur Abrenica, two years na siyang single. Inamin niyang nagkamali siya. Bagaman wala siyang binanggit na pangalan, alam ng entertainment writers na nagkasala siya sa ex-girlfriend niyang si Kylie Padilla. Matatandaang nagkaroon ng isyu kay Aljur at sa isang Kapuso actress noong nagkatrabaho sila sa isang GMA primetime series.

Ayon naman kay Derrick Monasterio, nawalan siya ng time for his ex-girlfriend (Yssa Pressman na younger sister ni Yassi). Priority niya ang kanyang trabaho, kaya hindi raw sila nagkaintindihan.

Gano’n din ang dahilan ni Jake Vargas. Focused siya sa kanyang career at gusto niyang mag-explore ng kanyang talents.

Itinanggi ni Jake na may non-showbiz girlfriend siya na dahilan ng break-up nila ni Bea Binene. Ang tsika kasi’y pinagsabay ni Jake si Bea and his non-showbiz girlfriend na kababayan niya sa Olongapo City.

Work comes first din para kay Rocco Nacino. “Darating din ang love life. Masaya naman ako ngayon. I’m doing well,” he said. Hindi pa raw sila nagkakausap ng ex-girlfriend niyang si Lovi Poe dahil wala pang chance. O, ayaw lang nilang mag-usap? O, nag-iiwasan talaga sila?

May tsikang diumano’y getting closer sina Rocco at Sanya Lopez lalo na’t magkatrabaho sila sa “Encantadia.” Rocco plays Aquil at sang’gre Danaya naman si Sanya.

Sa harapan ng venue ng presscon ng “Oh, Boy!” concert, nakatawag-pansin sa entertainment writers ang nakaparadang Mustang car na later on ay napag-alamang kay Rocco pala. Aniya, investment niya ’yun at pampaalis ng stress kapag nagda-drive siya.

Dog lovers

Parehong mahilig mag-alaga ng aso sina Enrique Gil at Liza Soberano. Ipinakita sa programang “Rated K” ni Korina Sanchez-Roxas ang kanilang mga alagang aso. Iba’t iba ang breed ng mga ito. ’Yung dalawang aso ni Liza ay bigay sa kanya ni Enrique.

Nalaman din ng televiewers na kapag pala nai-stress si Enrique ay minamasahe ni Liza ang kanyang mga kamay. Ipinakita pa ni Liza ang pagmamasahe niya sa kanyang ka-love team.

Mukha naming hindi nagseselos o nai-insecure si Enrique nang sabihin ni Korina na may mga international stars na nagkakagusto kay Liza. Baka raw maunahan pa siya (Enrique).

“Hindi mangyayari ’yun,” confident na sabi ni Enrique. Mukhang na-secure na niya ang puso ni Liza.

Kahit pa sinabi ni Liza na kinikilig siya kay Justin Bieber, mukhang hindi affected si Enrique. Dahil kaya alam niya kung saan siya nakalugar sa puso ni Liza? Base sa kanilang body language, mukhang more than friends, less than lovers sina Enrique at Liza. Tama kaya kami?

May kanya-kanya na ring investments sina Liza at Enrique. May nails and spa business si Liza. Nakabili na rin siya ng bahay for her family. Si Enrique naman ay may build and sell business. Nakabili siya ng apat na lote sa Paranaque.
Meron din siyang nabiling beach resort sa Anilao, Batangas.

comments