Home » Entertainment » Marian and Heart’s online shoppers nagpapatalbugan

Marian and Heart’s online shoppers nagpapatalbugan

Marian and Heart

DAHIL sa pagpo-post sa social media ng kanilang respective online shoppers, naiintriga sina Marian Rivera at Heart Evangelista. Ipinost ng online shopper ni Marian na nabili na niya ang latest Hermes Birkin bag. Nag-post din ang online shopper ni Heart tungkol sa nabili niyang latest style ng naturang luxury bag.

Ano ba ’yan? Nagpapatalbugan ang kanilang online shoppers sa pag-post ng Hermes bags nina Marian at Heart. May tsika pang diumano’y every month ay may bagong Hermes bag si Marian. Milyones ang halaga ng naturang branded bag at mai-imagine n’yo ang nagagastos nina Marian at Heart para sa kanilang luho.

Nagkakabogan din ang online shoppers nina Marian at Heart sa pag-post sa Hermes plates na nabili nila. Pati ba naman sa pinggan, magkapareho ng taste sina Marian at Heart? Ginagamit ba naman nila ang mga ’yun? O, pang-display lang nila?

Hermes plates ang birthday gift ni Dingdong Dantes kay Marian. ’Yun kayang Hermes plates ni Heart, gift din sa kanya ng hubby niyang si Senator Chiz Escudero?

comments