Home » News » News Roundup » Trike driver itinumba sa Caloocan

Trike driver itinumba sa Caloocan

Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng walong nakamotorsiklong kalalakihan sa tapat ng isang bangko sa Caloocan City, Lunes ng gabi.

Kinilala ng police ang napatay na si Michael “Akong” Yang, 30, ng Barangay 73. Base sa imbestigasyon, pinalibutan at binaril ng walong hindi kilalang lalaki ang biktima habang nagpapahinga sa kanyang tricycle sa kanto ng Rizal Avenue at 10th Avenue bandang 11 p.m. Na-recover sa crime scene ang dalawang pakete ng shabu, at tatlong basyo ng bala ng .45-caliber pistol.

Nagtangkang lumaban ang security guard ng bangko ngunit dinisarmahan siya ng mga armadong lalaki bago tumakas. Nakita sa footage ng closed-circuit television sa lugar ng pinangyarihan ng krimen na nakamaskara ang karamihan sa mga salarin habang ang iba naman ay nakasuot ng helment. (Jel Santos)

comments