Home » Entertainment » Sunshine maintains close ties with father-in-law

Sunshine maintains close ties with father-in-law

Sinshine Dizon

KAHIT may pinagdaraanan si Sunshine Dizon, nananatiling malapit ang loob niya at ng mga anak niya sa kanyang father-in-law na si Lito Tan. Ayon sa “Encantadia” star, never siyang nagkaroon ng problema sa pamilya ng estranged husband niyang si Timothy Tan, lalo na sa kanyang father-in-law.

“He is a very decent, good man. He is like a second father to me. Ayokong umabot sa puntong maapektuhan ang relasyon ko at ng mga anak ko sa kanilang lolo. He just really misses his grandchildren,” ani Sunshine.

Dalawa ang anak nila ni Timothy, sina Doreen at Anton.

Samantala, patuloy na subaybayan ang mga kaganapan sa “Encantadia.” Abangan ang paglabas ni Alden Richards bilang Lakan, ang magiging tagapagtanggol ng mga sang’gre at diwata sa mundong Encantadia.

comments