Home » Entertainment » Aktor, choosy na sa roles marami pang demands

Aktor, choosy na sa roles marami pang demands

CHOOSY at may mga demand ang isang actor bago tumanggap ng isang project. Ayaw niyang may leading lady siya. Ayaw niyang may kissing scenes. Ayaw niyang gumanap ng gay role.

Ang daming ayaw gawin ng aktor. No wonder, madalang pa sa patak ng ulan ang project nito. May isang project na maganda pa naman ang role niya, pero tinanggihan ng aktor.

Gay role kasi. Malapit pa naman sa isang kamag-anak ng actor ang lead actress sa project. Pero pinalampas ng actor ang pagkakataong makatrabaho ang sikat na singer-actress.

Bukod sa choosy at demanding ang aktor, wala rin itong ka-PR-PR. Aloof sa press na para bang takot itong mainterbyu.

Ayaw um-attend ng presscon at parating may dahilan. May inililihim kaya ang aktor, kaya iniiwasan niya ang press?

comments