Home » Entertainment » Julie Anne renews contract with GMA

Julie Anne renews contract with GMA

26Julie Anne San Jose Instagram copy

NAG-renew ng kanyang kontrata sa GMA-7 ang homegrown Kapuso talent na si Julie Anne San Jose.

Nagsimula si Julie sa pagsali sa singing contest noong 2005 ng QTV 11 na “Popstar Kids.”

Hindi man siya ang nanalo sa contest na iyon, siya ang na-build up bilang isang singing sweetheart ng GMA-7 at ngayon ay naggu-grow na siya bilang isa sa mahuhusay na aktres sa telebisyon ngayon.

Present sa kanyang contract-signing ay sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, GMA President and COO Mr. Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong, SVP for Entertainment Lilybeth G. Rasonable, and SVP for Alternative Productions Gigi S. Lara.

Masayang-masaya ang singer-actress sa tiwala na muling binigay sa kanya ng network.

“Ever since po talaga ito na ’yung tahanan ko, eh, kasi I started really young and then I grew up na rin, parang dito na po talaga ako lumaki.”

“Sobrang thankful po ako na nabigyan po ako ng opportunity to be with GMA, of course, and I’m really, really excited kasi marami pong magaganap,” ngiti pa ni Julie.

Kaka-release lang ng bagong album ni Julie titled “Chasing the Light” under GMA Records. Naka-schedule na ang kanyang nationwide at international tours para sa promo ng album.

Magiging guest din si Julie sa upcoming major concert ni Christian Bautista.

Hinahanda na rin ang bagong teleserye niya. Huling napanood si Julie sa “Buena Familia.”

Ayon pa sa network executive na si Ms. Lilybeth Rasonable, “Busy na siya sa concert scene but we want to give her a drama project kasi sabi nga ni FLG (Atty. Felipe L. Gozon), she’s a very versatile performer and actress.

“May mga pinag-uusapan at saka binubuong projects para naman sa kanyang singing career and hosting career. So abangan nalang natin ’yun.” (Ruel J. Mendoza)

comments