Home » Entertainment » Miss World PH partners with GMA, Viva

Miss World PH partners with GMA, Viva

SA ikaapat na taon ay muling mapapanood ang prestigious Miss World Philippines sa Kapuso Network, GMA-7.

Ang Viva ang magiging partner ng GMA-7 sa pag-produce ng yearly beauty pageant na ito.

Naganap ang contract-signing ng CQ Global Quest (CQGQ), Inc. ni Ms. Cory Quirino at ng GMA Network Center noong nakaraang Aug. 23.

Present sa naturang contract-signing ay sina CQGQ, Inc. Chairman & CEO Cory Quirino, GMA Program Management First Vice President Jose Mari Abacan, GMA Program Management Assistant Vice President Mitzi Garcia, Viva Assistant Vice President for Events VR del Rosario, and Viva Sales and Production Unit Vice President Jay Montelibano.

Hindi nga maitago ni Ms. Cory ang kanyang kasiyahan dahil muli na naming makikipagtrabaho siya with the Kapuso Network at may bago pa silang partner, ang Viva.

“Masayang masaya ang Miss World Philippines dahil meron nang pagbabago sa aming kampo dahil bago na ang aming partner, ang Viva.

“Alam naming ang aming pagsasama ay magiging masaya, maayos at maganda.

“Siyempre, our forever partner is GMA. Kapusong Kapuso ang Miss World Philippines,” nakangiting pahayag pa ni Ms. Cory.

Nagsalita naman ang network executive na si Abacan na patuloy ang magandang relasyon nila with Ms. Cory sa paghawak ng Miss World Philippines.

“Iba-iba lang ang ka-partner ng CQGQ pero Miss World still remains with GMA.

“Remember that our first Miss World, Megan Young, nung nanalo siya sa local pageant, the coronation was held here in GMA.

“This year, I hope we get crowned again.”

Simula noong hawakan ni Ms. Cory ang Miss World Philippines noong 2011, naging sunud-sunod ang pagpansin sa mga pinapadala nating representative sa Miss World Beauty Pageant.

Tulad na lang ni Gwendoline Ruais na nag-place as first runner-up noong 2011.

Sumunod na taon ay si Queneerich Rehman ang nakapasok sa Top 15 semi-finalists in 2012.

In 2013, napanalunan ng Pilipinas ang kauna-unahang Miss World title with representative Megan Young.

Valerie Weigmann reached the Top 25 quarter finals in 2014.

And last year, Hillarie Parungao got into the Top 11 semi-finals.

The Miss World Philippines coronation night is set to air on Sept. 25. (RUEL J. MENDOZA)

comments