Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » No more second chance for Rocco and Lovi

No more second chance for Rocco and Lovi

Tom and Max

PATAS na ngayon sina Rocco Nacino at Sheena Halili. He broke her heart noong nakipag-break siya kay Sheena. Now, heartbroken naman si Rocco dahil siya ang brineyk ni Lovi Poe.

Mukhang trying to get over pa lang si Rocco, pero si Lovi, mukhang naka-move forward na. Si Sheena naman, still searching (or waiting?) for Mr. Right. Pero naka-move on na siya. No more bitterness, no more heartaches.

Ayon kay Rocco, hindi mutual decision ang break-up nila ni Lovi. Nagulat ang aktres noong nabasa niyang siya ang nakipag-break kay Rocco. Ani Lovi, dapat ay sa kanilang dalawa nalang ’yun, kaya nagulat siya noong nagsalita si Rocco tungkol sa kanilang break-up.

Nilinaw ni Lovi na walang third party involved, pero sana raw ay maging friends pa rin sila ni Rocco. Mabuting tao raw ang kanyang ex-boyfriend at may pinagsamahan sila.

Mukhang wala nang second chance for Rocco and Lovi dahil naka-move on na si Lovi. She’s dating someone else who inspires her a lot.

Si Rocco naman, focused sa kanyang work. Aniya, malaki ang naitutulong ng pagiging busy niya sa taping ng “Encantadia.” Nag-e-enjoy siya sa role niya bilang Aquil.

Bukod sa taping ng “Encantadia,” pinaghahandaan ni Rocco ang one-night concert nila ng mga kapuwa Kapuso stars niyang sina Aljur Abrenica, Jake Vargas at Derrick Monasterio. Billed “Oh, Boy!” gaganapin ito sa Music Museum on Sept. 23 at 8 p.m.

Si Lovi naman ay may bagong primetime series sa GMA7, ang “Someone to Watch over Me” na magsisimula on Sept. 5.

Kasama niya rito sina Tom Rodriguez, Max Collins, Edu Manzano, Jackielou Blanco, among others. Directed by Maryo J. de los Reyes.

Umamin na

Siguro naman aamin na rin si Pancho Magno sa relasyon nila ni Max Collins. Nauna pang umamin ang Kapuso actress noong presscon ng “Someone to Watch over Me.”

Ayon kay Max, magpo-four years na sila together this October. Importante raw sa kanya si Pancho at ayaw niya itong mawala sa kanya. Wow, ha? Ang pogi-pogi at ang macho-macho naman ni Pancho.

Nasa presscon ng STWOM ang mommy ni Pancho na si Ms. Redgie Magno (VP for Drama), kaya tinukso ng press si Max na ’andu’n ang kanyang future mother-in-law.

“Ipagdasal n’yo kami ni Pancho,” sabi ni Max sa entertainment press. Pa-smile-smile naman si Ms. Redgie na mukhang botong-boto kay Max para maging daughter-in-law niya.

Ang ganda kaya ni Max, bukod sa mabait pa at talented actress. Mapagmahal din siya sa kanyang pamilya. Dapat ay ipinagmamalaki siyang girlfriend at hindi dapat itinatago o girlfriend sa dilim.

Kailan naman kaya pagsasamahin sina Pancho at Max sa isang full-length teleserye? Cameo role lang kasi si Max sa “Encantadia” at pinatay agad ang karakter niya. Pancho plays Hitano, isa sa mga kawal sa mundo ng Encantadia.

Gusto nang mag-asawa

Si Carla Abellana na ang “the one” ni Tom Rodriguez at siya na ang babaeng gustong pakasalan ng Kapuso actor. Sabi pa ni Tom, gusto na niyang mag-asawa.

Nag-iipon na siya para makapagpatayo ng house na titirahan nila ni Carla kapag kasal na sila. Uunahin lang niyang ipagpatayo ng bahay ang kanyang parents. Naka-base sa Arizona, USA ang mga ito, pero kapag nag-retire na’y dito sa Pilipinas nila gustong manirahan. ’Yun naman ang gusto ni Tom para magkasama-sama silang pamilya.

Samantala, excited si Tom sa bago niyang primetime series, “Someone to Watch over Me.” Isang may early onset ng Alzheimer’s disease ang kanyang role na aniya’y hindi niya akalaing may gano’ng sakit. Akala lang niya’y amnesia, pero sa ginawa niyang research sa internet, walang gamot sa mga may Alzheimer’s disease.

Nanood din siya ng documentaries at video diaries ng mga pamilya na may mga mahal sa buhay na may gano’ng sakit.

“Iba’t ibang kuwento ’yun ng mga pamilya tungkol sa pinagdaraanan nila. I can just imagine ang sakit na nararamdaman nila sa pag-handle sa gano’ng sitwasyon,” wika ni Tom.

comments