Home » Entertainment » Rufa Mae confirms she is pregnant

Rufa Mae confirms she is pregnant

SIMULA noong mabalitang buntis na ang award-winning comedienne na si Rufa Mae Quinto, wala pa ring confirmation na nagmumula sa aktres.

Pero may sightings nga kay Rufa Mae na nakasuot na ito ng maternity dress sa naganap na birthday party ng aktres na si Alice Dixson.

Panay na rin daw ang tanggi ni Rufa Mae sa TV guestings dahil ayon sa handler nito ay nasa isang maselang kalagayan daw ito ngayon.

Bago pa man kumalat ang balitang pregnant si Rufa Mae, pinaghahandaan nito ang magiging wedding niya sa kanyang fiancé na si Trevor Magallanes.

Na-post na niya ang magiging wedding gown niya, ang motif ng kanyang wedding at pati na ang magiging venue.

Pero pahulaan pa rin kung kelan magaganap ang naturang wedding.

Sa isang Instagram post ng komedyante last August 22 ay parang kinumpirma na niya ang kanyang pagiging buntis.

Nabanggit niya na nag-gain siya ng timbang at handa na siyang harapin ang isang pamilyadong buhay.

Tinawag pa nga ito ng comedienne na isang “bagong kabanata ng kanyang buhay.”

Heto ang post ni Rufa Mae:

“Salamat po mga friends sa pag support sa next chapter ng pag kababae ko, sa pagiging pamilyadong buhay ko, excited ako kahit nag gain Ako ng weight.

“Ok lang at least, panahon na para kalimutan ko muna sarili Ko at ang haharapin ko ay buhay ilaw na ng tahanan.

(Natupad na ang very very light and bright na dream ko)

“Ang dasal ko sana bigyan ako ng lakas, body, mind and soul ng patuloy na ligaya forever more.

“Ganern! Pak Lang Ng pak. #timefirst time is ticking and tickling #november25,2016”

Nag-react naman sa post ni Rufa Mae ang OPM singer/actress na si Vina Morales at sobra itong natuwa sa nangyayari ngayon sa buhay ng kanyang kaibigan. (Ruel J. Mendoza)

comments