Home » News » News Roundup » Babae nahagip ng tren, patay

Babae nahagip ng tren, patay

Patay ang isang babaeng may sakit sa pag-iisip matapos na mahagip ng isang Philippine National Railway (PNR) train bago sumapit sa Sta. Mesa Station kahapon ng umaga.

Ayon sa Manila Police District-Traffic Investigation Section (MPD-DTIS), namatay noon din si Marilyn Macapagal, 41, dahil sa matinding pinsalang tinamo sa katawan matapos makaladkad ng tren bandang 11:50 a.m.

Sinabi ng mga testigo sa police na patuloy na naglakad si Macapagal sa riles sa kabila ng pagbusina ng paparating na tren. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang aksidente. (Analou de Vera)

comments