Home » Entertainment » Julia not in a hurry to have a relationship with Coco Martin

Julia not in a hurry to have a relationship with Coco Martin

28julia montes instagram copy

OBVIOUS ang pagkailang ni Julia Montes kapag natatanong tungkol sa kanyang love life.

“Kayo po ha,” sambit ni Julia sabay natawa na lang siya.

Pero may nagpapatibok na ba ng puso niya ngayon? “Steady lang po ako.”

Kaya direkta na siyang tinanong tungkol sa balitang nali-link sa kanya si Coco Martin. Ano ang masasabi niya na marami ang nag-iisip na sila na ni Coco? “Huwag po nating madaliin. Nakaka-pressure po kasi ’yung mga tanong ninyo.

Grabe po. Relax lang po tayo.”

Pero may usapan ba sila ni Coco na pagtagal-tagal ay magiging sila rin? “Ay, mahirap pong magsalita.”

Ano na lang ang nararamdaman niya na sa tuwing natatanong si Coco ay sinasabi nitong siya ang babaeng pinakamalapit sa puso ng bida ng “FPJ’s Ang Probinsyano”? “Flattered po. Kahit naman po ako pag natatanong, sinasabi ko rin naman na siya ’yung close ko.”

Kung sakaling ituloy na ni Coco ang panliligaw sa kanya, malaki ba ang chance na sagutin niya ito? “Pag nandoon na lang po at saka po ako sasagot.”

Sa ngayon daw pareho sila ng panuntunan ni Coco na i-prioritize muna ang work kaysa sa love life. “Opo, kasi lalo na po ngayon, ang hirap… especially sa part ko po na gumaganap ng kambal (sa ‘Doble Kara’), baka mamaya maligaw, ma-distract. So, mahirap po, baka mapabayaan ko ’yung dalawang karakter.”

Speaking of “Doble Kara,” masaya si Julia dahil umabot na sa isang taon sa ere ang pinagbibidahan niyang panghapong teleserye ng ABS-CBN, kung saan gumaganap siya ng dual role bilang sina Kara at Sara. Proud din siyang consistent na panalo sa ratings ang “Doble Kara.”

“Ang sarap po sa pakiramdam. Sabi ko nga, siguro ito po ’yung role na blessing po talaga sa akin kasi bukod sa napaka-challenging and hindi ko ine-expect na ibibigay sa akin itong role na ito, tapos eto po biniyayaan kami ng mahaba-haba pang pagsasama naming lahat,” ani Julia.

Pag-amin pa ni Julia, bago pa niya sinimulang gawin ang “Doble Kara” ay binigyan pala siya ng advise ni Coco. “Kasi po nakapag-kambal na siya before. Parang nasabi lang niyang aralin ko lang ’yung character, hindi ako maliligaw. Iyon ang exact words niya.”

Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang “Doble Kara” ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.(GLEN P. SIBONGA)

comments