Home » Entertainment » Barbie keeps mum on break-up with Kiko

Barbie keeps mum on break-up with Kiko

BARBIE Forteza

A few weeks ago ay masayang-masayang nagkukuwento ang Kapuso Teen Queen tungkol sa nali-link sa kanyang si Kiko Estrada.

Gustung-gusto pa naman daw niya kay Kiko ay ang pagiging magalang nito sa kanyang magulang at may effort daw itong puntahan siya kahit saan man siya naroon.

At boto pa naman ang parents ni Barbie kay Kiko.

Pero nitong nakaraang linggo ay biglang tikom na ang bibig ni Barbie tungkol kay Kiko.

Balitang nag-break na raw ang dalawa pagkatapos ng kanilang tinagong relasyon na umabot ng apat na buwan.

Kung ano ang dahilan ng kanilang break-up ay walang nakakaalam pa.

“Huwag na lang po nating pag-usapan ‘yan.

“Mas gusto ko pong mag-focus sa mga trabaho ko ngayon.

“Pagbigyan n’yo na po ako. I just don’t feel like talking about ngayon,” pakiusap pa niya.

Hindi nga halatang galing sa isang break-up si Barbie dahil masayang-masaya siya sa naganap na first anniversary celebration ng Sunday show na Sunday PinaSaya.

Bukod sa inaabangan ang paggaya niya kay Kris Aquino, kasama na sa SPS family ang kanyang ka-loveteam na si Andre Paras.

A few weeks ago rin ay naintriga naman si Andre dahil sa pag-unfollow nito kay Barbie sa Twitter. Nag-react ang mga fans dito, pero muling pina-follow na ni Andre si Barbie.

“Nag-explain naman si Andre na hindi niya akalain na big deal ‘yung i-unfollow niya ako.

“Hindi lang naman daw ako ang in-unfollow niya. Marami raw sa mga kaibigan din niya. Kasi nga hindi naman daw siya gano’n ka-active sa social media.

“Pero dahil ‘yung AnBie fans ang sobrang nag-react, he started to follow me again. Para raw hindi na magalit ang mga fans namin,” sey pa ni Barbie.

Marami ang natutuwa sa paggaya niya kay Kris Aquino sa SPS. Ready ba siya kapag biglang nag-guest si Kris sa show nila?

“If ever she’d be a guest in the show, sana ma-handle niya ako!” malakas na tawa pa niya.

“Kung mag-guest nga siya, siyempre excited ako. I will re-introduce myself again. Kasi nag-meet na kami noon sa movie na Little Bossings.

“Hindi naman ako matatakot kasi hindi ko naman siya binabastos kapag ginagaya ko siya. Gusto lang naming magpasaya ng viewers,” pagtapos pa niya. (RUEL J. MENDOZA)

comments