Home » Entertainment » Big star’s mom, ipinauwi lahat ng handa sa show

Big star’s mom, ipinauwi lahat ng handa sa show

SINO itong mother ng isang sikat na female star na ipinauwi ang lahat ng handa na regalo sa kanyang anak?

Birthday ni big star kaya natural lamang na maraming lechon at cake ang bigay sa kanya ng sponsors. Umaapaw kumbaga ang lechon at cake na dinala sa show n’ya kaya happy ang mga tao duon, lalo na ang production staff.

Kanya-kanya na sila ng usapan kung kanino mapupunta ang mga ulo ng lechon at iba’t ibang cake.

Matapos ang show, dumating na ang mother ni big star. Maya-maya lamang ay inutos na ni mother sa staff na nanduon: “Ilagay n’yo lahat ng cake at lechon sa van!”

Walang nagawa ang mga pobreng production staff kundi sundin ang mother ni big star. Ni wala man lamang silang nakain sa mga lechon at cake ni big star. Pinagtyagaan na lang nila yung catering na inihanda ng big network para kay big star.

Clue: Kahit na ano pa ang sabihin ng critics sa family nito, love na love pa rin ng fans si big star.

comments