Home » News » News Roundup » Drug suspect pinatay habang tulog

Drug suspect pinatay habang tulog

Pinatay habang natutulog ang isang hinihinalang tulak ng droga sa loob ng kanyang bahay sa Caloocan City noong madaling araw ng Sabado.

Base sa police report, dalawang hindi kilalang lalaking armado ng baril ang pumaslang kay Joey Grabe, 35, bandang 2:48 a.m. sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon sa mga testigo, tumakas ang dalawang salarin na nakasuot ng helmet sakay ng isang motorsiklo matapos ang pamamaril.

Sa ulo binaril ang biktima, ayon sa mga imbestigador. Na-recover sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng bala ng .45-caliber pistol.

Ayon sa mga kapitbahay, kilalang tulak ng droga ang biktima sa kanilang lugar. Si Grabe ang ika-pitong hinihinalang drug pusher na pinatay sa loob ng bahay, base sa police record.

Sinabi ng Caloocan police na gumagawa na sila ng pagkilos para mahuli ang vigilante group na sangkot sa mga kaso ng pagpatay. (Jel Santos)

comments