Home » News » News Roundup » Tulak kinatay sa Navotas

Tulak kinatay sa Navotas

Isa umanong kilabot na drug pusher ang pinatay sa saksak ng tatlong kalalakihang naka-bonet sa Navotas City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng police ang napatay na si Michael Dizon, 39, nakatira sa Barangay Sipac Almacen. Base sa imbestigasyon, nilapitan ng tatlong salarin si Dizon sa kalye ng Barangay Daang Hari bandang 11:30 p.m. at pagkatapos ay bumunot ng mga kutsilyo at sabay-sabay na inundayan siya ng saksak.

Kumaripas ng takbo ang tatlong nanaksak nang makita ang mga paparating na tao. Na-recover sa bulsa ng biktima ang tatlong pakete ng shabu.

Nagtamo ng pitong saksak sa katawan ang biktima, ayon police report. Sinabi ni Senior Supt. Dante Novicio, Navotas Police chief, na nasa drug watch list ang pangalan ng biktima.

Napag-alaman na kilala si Dizon na tulak ng droga sa kanilang lugar at karamihan sa customers niya ay mga kabataan, ayon kay Novicio. (Jel Santos)

comments