Home » Entertainment » Jackielou says she can’t remember why she and husband Ricky split

Jackielou says she can’t remember why she and husband Ricky split

30Jackielou Blanco copy

HINDI nama-remember ni Jackielou Blanco kung bakit sila naghiwalay ni Ricky Davao. Aniya, matagal na kasi ’yun. But then, nananatili silang magkaibigan kahit hiwalay na sila.

Tatlo ang anak nila, a boy and two girls. May apo na sina Jackielou at Ricky sa panganay nilang anak na lalaki, si Kenneth. ’Yung isang anak nilang babae ay tomboy at tanggap ’yun ng estranged couple.

Naunang umamin si Ricky sa isang presscon noon ng GMA7 na hiwalay na sila ni Jackielou. Kinumpirma ’yun ng huli sa isang presscon din ng isang show niya noon sa GMA7.

Muling natanong si Jackielou tungkol sa hiwalayan nila ni Ricky noong presscon ng “Someone to Watch over Me.” Aniya, minsang nag-uusap sila’y basta nalang nila parehong napagdesisyunan naamining hiwalay na sila.

Ang kabutihan sa estranged couple, tahimik lang silang naghiwalay. Walang batuhan ng masasamang salita against each other. Hindi sila nagsiraan.

In any case, isang supportive and understanding wife ni Edu Manzano ang role ni Jackielou sa “Someone to Watch over Me.” Anak nila si Tom Rodriguez na may early onset ng Alzheimer’s disease. STWOM premieres on Sept. 5 sa GMA Telebabad.

comments
  • Idol

    I just wish na sana someday, maisip din nilang muli na magbalikan.
    Isa sila sa mga showbiz couples na hinahangaan ng marami.