Home » Entertainment » Ralph Noriega is leading man potential

Ralph Noriega is leading man potential

30ralph copy

FUTURE leading man ang dating ng bagong Kapuso talent na si Ralph Noriega.

At age 17, he stands 5’10” and has handsome features kaya puwedeng i-build up at isabay sa mga current leading men ng GMA-7 na ka-age niya, tulad nila Ruru Madrid at Miguel Tanfelix.

He hails from Laguna (Pacita Complex) and is currently Grade 11 at Academia Institucion de San Pedro.

Nakagawa na siya ng dalawang TV commercials and did few runway modeling when he was just 15 years old.

Una siyang lumabas sa teleseryeng “Poor Señorita” ni Regine Velasquez-Alcasid.

Ngayon ay kasama siya sa cast ng bagong GMA primetime teleseryeng “Someone to Watch over Me.”

Gumaganap si Ralph bilang nakakabatang kapatid ni Tom Rodriguez.

“Pinatanda nila ako sa teleseryeng ito. I play a nursing student na nag-aalaga kay Kuya Tom. Pinatanda lang nila ako ng three to four years. Okey naman dahil bumagay raw sa akin kasi mas matangkad daw ako kay Kuya Tom,” ngiti pa niya.

Hindi inakala ni Ralph Noriega na magiging very helpful sa kanya ang kanyang TV kuya na si Tom.

Kuwento ni Ralph na binibigyan daw siya ng acting advice ng kanyang Kuya Tom tuwing may eksena sila.

“Tuwing magkaeksena kami ni Kuya Tom, talagang tinutulungan niya ako, binibigyan niya ako ng pointers kung paano gagawin ’yung scenes namin.

“Natuwa nga po ako kasi hindi ko inaasahang gano’n siya ka-supportive sa baguhang katulad ko,” kuwento pa ni Ralph.

Naka-adjust na nga raw si Ralph sa buong cast ng kanilang teleserye at lahat daw ay mababait at madaling lapitan.

“Approachable po silang lahat. Kasi ako po ‘yung pinakabago rito, ‘di ba? Pero sobrang mababait silang lahat. Kaya ang sarap magtrabaho sa set.”

Sa edad ni Ralph ay wala pa raw itong naging girlfriend.

“Huwag daw po muna akong maging serious sa babae. Okey lang ’yung dating. Bata pa naman po ako,” diin niya.

Kung may gusto raw siyang makatrabahong Kapuso actress, ito ay walang iba kundi si Janine Gutierrez na crush daw niya noon pa. (Ruel J. Mendoza)

comments