Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ruru nalaglag sa bangin sa fight scene

Ruru nalaglag sa bangin sa fight scene

30ruru madrid instagram copy

MUKHANG wala na talagang magagawa ang parents ni Sarah Geronimo kundi tanggapin ang relasyon nito at ni Matteo Guidicelli. Several times nang nagkasama sa iba’t ibang okasyon at lugar ang mag-sweethearts na hindi kasama ni Sarah either ang kanyang daddy o mommy.

Noong nakaraang 28th birthday ni Sarah ay nag-mountain climbing sila ni Matteo kasama ang ilang kaibigan nila sa Pico de Loro sa Batangas.

Then, spotted din sina Sarah at Matteo sa isang family dinner ng mga Guidicelli. Mukhang tanggap na tanggap ng pamilya ni Matteo si Sarah.
Nitong nakaraang Sabado (Aug. 27), spotted naman sina Sarah at Matteo sa isang parking lot. Ipinost ng isang netizen sa social media ang magkasamang picture nina Sarah at Matteo na naglalakad. Nakatalikod sila na nakalagay ang kanang kamay ni Sarah sa likod ni Matteo. Naka-simpleng floral t-shirt si Sarah, leggings at rubber shoes. Naka-polo shirt at maong pants naman si Matteo. May solong kuha rin si Sarah na walang make-up at naka-ponytail lang.

May pinagmanahan

Aliw na aliw at “baliw na baliw” si Dingdong Dantes sa anak nila ni Marian Rivera na si baby Zia. Every now and then ay kinukunan ni Dingdong ng pictures ang kanilang cute bundle of joy. Hindi na nga mabilang ang pictures ng bagets.

Vini-video rin ni Dingdong si baby Zia. Nag-viral sa social media ang video niyang sumasayaw ang bagets. Kuha ’yun noong nagbakasyon ang mag-anak sa Balesin Island, Quezon kung saan nag-celebrate ng kanyang 32nd birthday si Marian.

Ayon kay Dingdong, every week ay may bagong ginagawa o ipinapakita si baby Zia. Kapag nakarinig ito ng tugtog ay iginagalaw ang ulo. “Mahilig siyang sumayaw. Mana sa ina,” ani Dingdong.

Mana rin sa kanya dahil noong kabataan ni Dingdong ay miyembro siya ng Abztract dancers. Nagsimula siya bilang dancer. May pinagmanahan talaga si baby Zia. Parehong good dancers ang kanyang daddy Dingdong at mommy Marian.

Hindi pa pwede

“Hindi pa. Hindi pa pwedeng ligawan,” nakangiting sabi ni Ruru Madrid nang tanungin naming ang estado ng relasyon nila ni Gabbi Garcia. Mag-e-eighteen years old lang si Gabbi sa December this year at ayon kay Ruru, sinabihan siya ng daddy ni Gabbi na huwag muna silang mag-ligawan dahil mga bata pa sila. Ruru is 19 years old.

Aniya, happy at kuntento na siyang parati silang magkasama ni Gabbi. Magkatrabaho sila sa “Encantadia” kung saan gumaganap si Ruru bilang Ybaro/Ybrahim at Kalasag. Alena naman ang karakter ni Gabbi.

Kuwento ni Ruru, sa fight scene nila ni Pancho (as Hitano) ay totohanang nasaktan siya. Napalakas ang tulak nito sa kanya at nahulog siya sa bangin na tantiya ni Ruru ay 5 o 6 ft. Ang taas. Wala siyang harness, kaya tuluy-tuloy ang bagsak niya. Nagalusan at nasaktan ang mga binti at tuhod niya, ayon kay Ruru.

“Sabi ko kay Pancho, pwede niya akong sipain sa dibdib o tiyan. Eh, na-carry away siya sa eksena. Napalakas ang tulak niya, kaya nahulog ako sa bangin. Pero okey lang. Hindi ako nagalit sa kanya. Bahagi ’yun ng trabaho at hindi naman niya sinadya. Ayoko naman kasing magpa-double,” wika ni Ruru.

Nang-iinggit?

Sinasadya bang mang-inggit ni Maja Salvador kaya nag-post siya ng magkasamang pictures nila ni John Lloyd Cruz? Kuha ’yun noong nagpunta sila kamakailan lang sa Davao City. May caption pa siyang, “Mga bilatra at bekimon, isama na ang mga paminta… mamatay kayo sa inggit. John Lloyd is mine!”

Talaga lang, ha? Kanya na si JLC?

O, baka naman, joke lang ’yun ni Maja at gusto lang niyang mang-asar? Ano kayang reaction ni Angelica Panganiban, ex-girlfriend ni JLC na hopia (hoping) na magkakabalikan pa sila?

Noong nanood sina Maja at JLC ng “How to Be Yours” nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, nag-post din si Maja ng picture nila ni JLC.

Mukhang between her and JLC, sobrang proud si Maja mag-post ng pictures nilang dalawa. Why not? John Lloyd Cruz ’yun, ha? Certified bachelor, sikat at magaling na aktor. Saan ka pa?

Balita naming panay ang date ngayon nina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Nangangamoy second chance kaya for them?

Abang-abang nalang pag may time.

comments