Home » News » News Roundup » Drug suspect nanlaban sa pulis, patay

Drug suspect nanlaban sa pulis, patay

Isa pang hinihinalang drug pusher ang napatay ng mga pulis matapos umano siyang manlaban habang inaaaresto sa Caloocan City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng police ang napatay na suspek na si Roberto Belner Dilao, 44, residente ng Barangay Bagong Barrio, Caloocan.

Base sa imbestigasyon, binaril ng mga tauhan ng Caloocan Anti-Illegal Drug Department si Dilao matapos niyang paputukan ang mga alagad ng batas na nagsasagawa noon ng Oplan Galugad sa Barangay Bagong Barrio bandang 6:20 p.m.

Ayon kay Inspector Cecilio Tomas, dinala ng kanyang mga tauhan ang sugatang si Dilao sa Manila Central University Hospital dakong 6:55 p.m. ngunit binawian siya ng buhay sa oras na 7:20 ng gabi.

Nakuha kay Dilao ang apat na pakete ng shabu, isang .22-caliber pistol na kargado ng apat na bala. Napag-alaman na nasa drug watchlist ng Caloocan Police si Dilao. (Jel Santos)

comments