Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 3 kapamilya patay sa sunog sa Cebu

3 kapamilya patay sa sunog sa Cebu

MANDAUE CITY, Cebu – Tatlong katao na kinabibilangan ng isang political clan ang nasawi matapos masunog ang kanilang tinitirhan sa SB Cabahug St. sa Barangay Ibabao-Estancia kahapon ng umaga.

Ang mga namatay ay nakilalang sina Nestor Ouano, 60, ang kanyang asawa na si Belen, at anak na si Mae, 16.

Sila ay mga kamaganak ng isang political clan na namamayani ng matagal na panahon.

Natagpuan ang bangkay ni Nestor na nakaupo sa toilet. Ayon sa mga imbestigador, malamang na namatay si Nestor sa suffocation.

Ang sunog na katawan ni Mae naman ay nakitang nakapatong sa katawan ng kanyang ina.

Nakaligtas naman si Aida Ouano na isang guro na nakatira din sa bahay. Nagtamo siya ng third degree burns sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Edgar Vergara, ang dahilan ng sunog ay malamang nanggaling sa isang naglolokong aircondition sa loob ng bahay.

Nasira din ang limang katabing bahay at isang funeral home. (MARS MOSQUEDA JR.)

comments