Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derrick at Maine lihim na nagkikita

Derrick at Maine lihim na nagkikita

DERRICK Monasterio

BUMISITA kamakailan lang si Miguel Tanfelix sa opisina ng United Nations Population Fund dito sa Pilipinas para sa isang courtesy call sa country representative nito na si Klaus Beck. Kinakitaan nito ang Kapuso teen actor ng potential na maging isang mahusay na leader.

Flattered and honored si Miguel sa sinabi ni Beck at pinasalamatan niya ito. Nakarating na rin kay Miguel na posibleng hirangin siyang ambassador ng U4U, isang youth initiative na pinangungunahan ng United Nations Population Fund at Commission on Population.

Samantala, bitin ang fans ni Miguel sa appearance niya sa “Encantadia” bilang Pagaspas. Sana raw ay hinabaan naman ang kanyang exposure. Hiling ng fans na sana raw ay ibalik ang karakter ni Miguel bilang Pagaspas.

Inaabangan naman ang paglabas ni Alden Richards sa “Encantadia” bilang Lakan.

By the way, abangan si Miguel kasama si Bianca Umali sa “Usapang Real Love (URL).” First ever interactive romcom series ito na soon ay mapapanood every Sunday sa GMA7.

Lihim na nagkikita?

Hindi kaya may violent reaction na naman ang AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa tsikang diumano’y palihim na nagkikita sina Maine at Derrick Monasterio? Totoo naman kaya ito?

Sakaling true, for sure, hindi naman aamin sina Derrick at Maine. Na-link na sila noong hindi sinasadyang nagkita sila sa Subic early this year. Naging isyu ’yun at na-bash si Derrick. Kesyo, ginagamit daw niya si Maine para mapag-usapan siya. Pinagsabihan si Derrick ng mga namamahala sa kanyang career, kaya dumistansiya siya kay Maine.

Curious lang kami, bakit kaya may tsikang diumano’y palihim na nagkikita sina Derrick at Maine? Sino kaya ang may pakana nito?

Sa Sept. 23 ang “Oh, Boy!” concert ni Derrick sa Music Museum at magandang abangan kung manonood si Maine. Mag-disguise kaya siya? Kasama ni Derrick sa one-night concert sina Aljur Abrenica, Jake Vargas at Rocco Nacino.

Samantala, muling magtatambal sina Derrick at Bea Binene sa isang show ng GMA News and Public Affairs. Pinamagatang “Tsuperhero,” ito ang ipapalit sa “Conan, My Beautician.”

Looking forward din si Derrick na masimulan na ang launching movie niya under Regal Entertainment. Kamakailan lang ay pumirma siya ng kontrata sa naturang film outfit na pag-aari ni Mother Lily Monteverde na pinamamahalaan ng anak niyang si Roselle.

May second chance kaya?

Napapadalas ang sightings kina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Kamakailan ay nakita silang magkasama sa isang car shop. Ayon sa tsikang nasagap namin, sinamahan daw ni Gerald si Bea na bumili ng bagong sasakyan.

Ayon sa mga nakakita sa dalawa, sweet-sweetan daw sina Gerald at Bea. Hindi naman iisiping pang-promo lang ang madalas na pagsasama ngayon nina Gerald at Bea. Naipalabas na ang ginawa nilang pelikula, “How to Be Yours.”

Wala naman nababalitang may gagawin silang teleserye sa ABS-CBN. Maganda nga kung meron at matutuwa ang kanilang fans. Abang-abang na lang pag may time kung may aaminin sina Gerald at Bea tungkol sa namamagitang relasyon nila. May second chance kaya at maging love is lovelier the second time around?

comments