Home » News » News Roundup » Lalaking iniwan ng GF nagpakamatay

Lalaking iniwan ng GF nagpakamatay

Nagpakamatay kahapon ang isang truck helper matapos umanong iwanan ng babaeng kinasama niya sa loob halos ng isang taon sa inuupahan niyang kuwarto sa Tondo, Manila.

Ayon kay Det. Jonathan Bautista, may hawak ng kaso, isang sinturon ang ginamit ni Edmark Vicente, 23, sa pagbiti sa sarili sa loob ng kanyang tirahan sa 1622 Felix de Leon St., Tondo.

Natagpuan ang bangkay ng biktima ng isang kapitbahay bandang 7 a.m. Bago nagbigti ang biktima, nilaslas muna niya ang kanyang kaliwang pulso at, gamit ang sariling dugo, isinulat niya sa dingding ang kanyang suicide note para sa kanyang live-in partner, base sa police report.

“I love you to all loving me and I’m sorry, I’m give up myself,” sulat ni Vicente para kay Jean Gadon. Isa pang suicide note ang nakita sa tabi ng bangkay ng biktima na nakasulat ang mga sumusunod:

“Ang kirot dapat mefenamic ang inumin, Jean Gadon. Paalam na Ingat ka na lang palagi. Super Mahal Kita. Sana tumagal kayo ng bago mo. Nagmamahal asawa ko.” (Analou de Vera)

comments