Home » Entertainment » Ryan buys Vegas house for Juday

Ryan buys Vegas house for Juday

Ryan Agoncillo

ANG bongga naman ni Ryan Agoncillo na balitang ibinili ng bahay sa Las Vegas, Nevada, USA ang wifey niyang si Judy Ann Santos. ’Andun ngayon ang mag-asawa at nagbabakasyon. Nag-a-alone time sila at hindi kasama ang tatlo nilang tsikitings na sina Yohan, Lucho at Luna.

Hindi kaya masundan agad si baby Luna? Eight months old pa lang ang bagets.

Nagbabakasyon din sa USA ang mag-asawang friends nina Juday at Ryan na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Nasa San Francisco naman sila. Nagkita pa sila sa NAIA aiport noong papunta sila sa kani-kanilang destinations. Wala rin daw kasamang mga anak sina Gladys at Christopher. Hindi kaya madagdagan din ang kanilang anak? Tatlo o apat na yata ang anak nina Gladys at Christopher.

comments