Home » News » News Roundup » BI kukuha ng Chinese interpreters

BI kukuha ng Chinese interpreters

Nangangailangan ang Bureau of Immigration (BI) ng mga Chinese interpreters para matulungan ang mga immigration sa pakikipag-usap sa Chinese nationals na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Inaprubahan ni BI Commissioner Jaime Morente ang rekomendasyon ng port operations division (POD) na magtalaga ng 12 Chinese interpreters upang umaktong translators ng mga immigration officers na nag-a-asses sa mga biyaherong Tsino.

Sa tulong ng interpreters, sinabi ni Morente na masusuri nang mas maayos ng immigration officers ang mga pasaherong Chinese bago sila tanggapin sa bansa. (Jun Ramirez)

comments