Home » Entertainment » James says love for Nadine gets deeper

James says love for Nadine gets deeper

3james, nadine copy copy

Habang tumatagal ay mas lalo raw minamahal ni James Reid ang girlfriend niyang si Nadine Lustre.

Nakatutulong din daw sa kanilang relasyon ang romantic scenes nila sa kanilang pinagbibidahang ABS-CBN primetime teleseryeng “Till I Met You,” lalo na nga’t sa romantikong mga lugar pa sa Greece kinunan ang ilan sa kanilang mga eksena.

“Everyday I think I’m more in love with her. But it definitely helps ’yung mga romantic scenes. We’re lucky that we get to do that for work. You know, other couples they do that in their spare time to go on finding the sunset and everything which is romantic. But we get to do that for work. And we’re so lucky,” sabi ni James.

Kaya ba realistic ang mga eksena nila? “It is!” diin pa ng aktor.

Pero dati pa naman daw matatag ang relationship nila.

Ayon kay Nadine, “At saka ang tagal na nga rin po kasi naming magkakilala, so parang naging intimate na lang noong nag-aminan. Pero even before naman talaga nae-enjoy na po namin ’yung company ng isa’t isa.”

May mga bagong nadidiskubre pa ba si Nadine kay James? “Parang wala naman… kasi matagal na po kasi kaming magkakilala. At saka everyday magkasama po kami halos, so wala po talagang… parang lahat po alam ko na.”

Paano na lang niya ide-describe ang relationship nila? “Para po kaming bestfriends na lahat ano… at saka hindi… paano ko ba ie-explain?”

Dahil ba nagsimula sila sa pagiging magkaibigan? “Oo, sa pagiging friends po kasi, doon kami nagsimula,” ani Nadine.

Samantala, masayang-masaya sina James at Nadine sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng “Till I Met You”. Bukod sa laging trending sa social media, panalo rin pagdating sa national TV ratings ang “Till I Met You” kontra sa katapat nitong “Descendants of the Sun” ng GMA-7. (Glen P. Sibonga)

comments