Home » Entertainment » Tom prays for dad’s recovery from cancer

Tom prays for dad’s recovery from cancer

3tom copy

Kung nakikita ng marami ang parating nakangiting mukha ng Kapuso actor Tom Rodriguez, sa likod nito ay may nararamdamang lungkot ito dahil sa kritikal na kondisyon ng kanyang amang lumalaban sa sakit na lung cancer.

Noong malaman raw ni Tom ang naging sakit ng kanyang ama, ginawa raw nito ang lahat para madugtungan ang buhay nito.

Kaya malaki ang pasasalamat ng actor sa kanyang pinagbibidahang GMA primetime teleserye na “Someone To Watch Over Me” dahil dumating ito sa tamang situwasyon ng buhay niya.

“Ang situwasyon sa pamilya ko ngayon helped me to motivate the role as a man na may pinagdaraanang karamdaman.

“It may not be the same with what’s happening to my dad, pero the pain and frustrations are the same.

“Malaking tulong ang project na ito for me and my family financially.

“My dad is a fighter at alam kong maayos naming mapagdadaanan ang lahat ng ito,” ngiti pa ni Tom.

Dumaan na raw sa isang maselang operasyon ang kanyang ama at nasa recovery stage na raw ito.

Dasal pa ni Tom na magtuluy-tuloy ang paggaling ng kanyang ama dahil gusto pa niyang makasama ito sa matagal pang panahon.

Nag-post pa si Tom ng photo niya with his parents sa Instagram:

“To the most wonderful parents anyone would be lucky to have!

Bukod sa “Someone To Watch Over Me,” may bagong show si Tom na “#LIKE” Tagisan Ng Internet Sensations kunsaan co-host niya ang internet sensation na si Balang.

Ang naturang show ay ipi-feature ang mga outstanding talents na madidiskubre sa Internet. (Ruel J. Mendoza)

comments