Home » News » News Roundup » Negosyante binaril

Negosyante binaril

Patay ang isang negosyante pagkatapos barilin ng tatlong hinihinalang holdaper sa Sta. Cruz, Manila noong Biyernes.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Arnold Ramos, 41, ng Sampaloc, Manila. Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Bernardo S. Cayabyab, may hawak ng kaso, nakatayo ang biktima kasama ng kanyang kaibigang si Hector Roldan, 60, sa harap ng Dynamic R. Parts Center sa kanto ng Old Antipolo at Mapua Sts. habang hinihintay ang kanilang pinamiling spare parts nang dumating ang mga suspek sakay ng isang Nissan Sentra na may plakang UEW-804.

Tinutukan ng baril si Roldan at inutusang ibigay ang kanyang mga suot na alahas na nagkakahalaga ng P80,000 at sling bag.

Pumalag si Roldan at binaril ng mga suspek. Kinuha ng mga suspek ang mga alahas samantalang dinampot ni Ramos ang sling bag ni Roldan at tumakbo papalayo.

Binaril ng mga suspect si Ramos at tumakas dala ang mga alahas ni Roldan. Dinala sa ospital sina Ramos at Roldan.

Binawian ng buhay si Ramos sa ospital dahil sa tama ng bala sa katawan. Kasalukuyan namang nagpapagaling si Roldan sa ospital. (Analou de Vera)

comments