Home » News » News Roundup » 3 drug suspects nadakip sa QC

3 drug suspects nadakip sa QC

Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlo umanong kilabot na tulak ng droga sa Barangay Culiat, Quezon City, noong Sabado ang hapon.

Sinabi ni Senior Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar, QCPD director, na naaresto ng mga operatiba ng Talipapa Police Station ang mga suspek na sina Jose Rance, 42; Eliazar Peniton, 57; at Cirelo Alpuerto, 45.

Ayon kay Eleazar, nasa police watch list ng notorious drug suspects ang mga nadakip. Base sa report na ipinadala kay Eleazar ni Police Supt. Danilo Mendoza, Talipapa Police Station commander, nasakote ang tatlo sa nang magsagawa sila ng Oplan Galugad sa Mujahaydin St., Salaam Mosque Compound, Brgy. Culiat, Quezon City, bandang 4:30 p.m., Sabado.

Nakumpiska sa mga suspek ang 11 pakete ng shabu, aluminum foil strips, improvised tooter at improvised burner. (Francis T. Wakefield)

comments