Home » Entertainment » Ai-Ai has many reasons to say ‘thank you’

Ai-Ai has many reasons to say ‘thank you’

Ai-ai

Masayang nag-share ang Comedy Queen nasi Ai-Ai delas Alas ng kanyang kasayahan dahil nakapagtapos na ng kursong Sports Management ang kanyang 22-year old boyfriend na si Gerald Sibayan sa De La Salle University.

Sobrang proud ang isa sa host ng Sunday PinaSaya dahil sa pagiging masipag ni Gerald kaya ito nakatapos na ng kolehiyo.

Heto ang mensahe ni Ai-Ai para sa kanyang minamahal na boyfriend:

“I want to congratulate you not just because you achieved your goals, but because of how you became a man with integrity. Tumaas ang respeto ko sa’yo lalo.”

Dagdag pa ni Ai-Ai na talagang ang pag-aaral ang panay na ginagawa ni Gerald kesa sa maglaro ito ng mga video games tulad ng ibang kabataan na kaedad nito.

May pangarap kasi na gusting matupad si Gerald kaya thankful si Ai-Ai sa hindi nito pagbaya sa pag-aaral.

“Pwede ka namang magtamad-tamaran at maglaro ng Counter-Strike maghapon, pero inilaban mo na araw-araw gumising nang maaga at suungin ang traffic at baha papuntang Maynila galing ng Quezon City.

“Dahil gusto mong mag-aral at gusto mong makatapos.

“Gusto mong matupad ang pangarap mo at ang pangarap kong makatapos ka at maipagmalaki kita sa buong mundo.

“And now, I want to say to the whole world I am so proud of you, Darling. Congratulations!”

Hindi lang iyan ang pinapasalamat ni Ai-Ai. Naka-one year na ang Sunday comedy-variety show nila na Sunday PinaSaya at todo ang magiging celebration nila on September 4 and September 11.

“Nakakagulat lang na inabot na pala ng one year at bongga parati ang ratings namin, mapa-mega manila at nationwide.

“Gusto kasi naming magpasaya ng mga manonood tuwing Linggo. Alternative kami sa mga kantahan at sayawan na ginagawa ng katapat naming show.

“Nagkataon na pampaalis ng stress at good vibes kami tuwing Sunday kaya heto, happy anniversary sa aming lahat!”

pagtapos pa ni Ai-Ai delas Alas. (RUEL J. MENDOZA)

comments