Home » Sports » Indonesia tambak sa PH

Indonesia tambak sa PH

Pinaglaruan ng Pilipinas U18 baseball team ang Indonesia sa loob ng pitong innings para itala ang 21-2 na panalo at magkaroon ng tsansa sa mas mataas na puwesto para mga non-semifinalists sa 11th Baseball Federation of Asia (BFA) Boy’s Under-18 Championship Biyernes sa Taichung Stadum sa Taichung, Taiwan.

Kinumpleto ni Jackson Acuña ang pag-pitch sa game matapos magbigay lamang ng two hits sa four runs at naka-strike out ng lima sa pagbalikat sa mga Pilipino sa pagtala ng victory.

Pinagpatuloy naman ni Fausto Eizmendi ang kanyang hitting streak sa pagtatala ng perfect 5-for-5 kontra Indonesians at nakatigatlong RBIs at runs.

Overall, nakapagpatama ang Pinoy batters ng 21 times na rito’y may home run sina Hawkins Hodges at Jerome Tenorio na mga nakatuntong sa home plate twice.

May four home runs pa si Diniel Bautistaat nakadalawang RBIs si Jameson Esparas sa one-sided game.

Sumabog ang Filipinos sa game-changing 13-run explosion sa bottom second para makahiwalay sa 1-1 standoff at diniktahan ang labanan tungo sa pagpulbos sa kalaban.

Sunod sa Pinas ang Hong Kong na 10-7 winner sa Thailand. (Angie Oredo)

comments