Home » News » News Roundup » Drug suspect patay sa ‘vigilantes’

Drug suspect patay sa ‘vigilantes’

Isa na namang drug suspect ang itinumba ng hinihinalang vigilantes sa harap mismo ng kanyang misis sa Caloocan City nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Christian Patrik Punla, 28, nakatira sa Barangay Greenville Subdivision, Barangay 171, Caloocan.

Base sa imbestigasyon ng police, nagising si Punla at ang kanyang asawang si Jessica, 22, nang biglang pumasok sa kanilang tahanan ang tatlong armadong lalaki sa pamamagitan ng pagsira sa pintuan.

Ayon kay Jessica sigaw na lamang ang kaniyang nagawa nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki ang kanyang asawa.

Mabilis na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo ang mga salarin na nakasuot ng bonnets, black t-shirts, at denim pants, sabi ni Jessica.

Na-recover kay Punla ang isang sachet ng marijuana at drug paraphernalia. Inamin ni Jessica na nagtutulak ng droga ang kanyang asawa sa kanilang barangay. (Jel Santos)

comments